๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ-๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ฟ๐ฑ ๐ฎ๐ธ๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ป โ ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ถ๐ด ๐ฆ๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ฎ

๐ก๐ถ-๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ฟ๐ฑ ๐ธ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐บ๐ฏ๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฟ๐ผ๐ผ๐บ๐บ๐ฎ๐๐ฒ ๐ธ๐ผ.. ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐ผ ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ.
Wala pa akong karanasan sa lalaki. Yung mga alam ko lang ay galing sa kwento ng roommate kong super OA sa jowa niya. Lahat ng sweet nothings, lambingan, baby talk, parang teleserye sa tindi.
Kaya isang gabi, naisip kong magtrip. Nilabas ko ang phone ko, binuksan ang sound recorder, tapos inilagay sa tabi ng unan ko. Plano ko lang naman, bukas iparinig sa kanya para matauhan siya sa ingay ng mga higikgikan nila at petty na away-bati.
The room was dim, humid, and quiet, except sa mga bulungan ng roommate ko at bf niya. Medyo nakakatawa โ yung tipong magtatampuhan tapos aamuin then tawanan na naman. Nakuha ko nang maka idlip at nang ma-alimpungatan ay tinignan ang phone โ 40 minutes nang nag rerecord. Excited akong iparinig bukas.
Pero bago matulog ng tuluyan, naisip kong i-check kung malinaw nga ang recording. Sinilip ko din muna sila sa kabilang side ng room โ wala! Sila siguro yung naririnig kong nasa kusina. Ayun na โ kinuha ko ang earphones, sinaksak sa phone, at play. At first, puro halakhak at sweet talk nila. Jackpot, malinaw na malinaw. Pero after a few minutes, nag iba ang timpla. Malalim na paghinga at parang kulob ang tunog.
โPapaโฆ papa, tulungan mo akoโฆโ
Napaupo ako bigla. Hindi iyon boses ng roommate o boyfriend niya. Batang lalaki. Mahina at parang nagmumula sa malayo. Kinabahan ako. Pinause ko, nirewind. Ulit: โPapaโฆ asan ka na?โ
Hinila ko earphones ko. Nilapit ko phone sa tenga ko directly. Same thing. Pumintig ang batok ko, lumingon ako ng paligid ng kwarto. Madilim ang sulok malapit sa cabinet, parang mas kumipot ang hangin.
Saka ko naalala โ last year โ noong bago palang kami dito, nang mag-warning si landlady. โKung may marinig kayong batang naghahanap ng tatay niya sa dis-oras ng gabiโฆ wag niyo na lang pansinin. Wag niyo siyang sagutin.โ Isang babala na binalewala lang namin dahil di naman kami naniniwala sa ganoon.
Humigpit hawak ko sa phone. Gusto kong burahin ang recording, pero parang namanhid daliri ko. Nag-play pa rin. This time, mas malinaw. โPapaโฆ wag mo kong iwanโฆโ
At that exact moment, bumukas ang pinto. Roommate ko, nakangiti, clueless, kumakaway. โUy, gising ka pa pala. May ikukwento ako bukas.โ
Pinatay ko agad phone screen. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanagโฆ na bukod sa lambingan nila, may sumabay na boses sa recording.
Sinabihan ko na lang sila na wag akong iwan at gisingin ako sakaling lalabas sila. Tumango na lang yung dalawa at ako di na napakali hanggang mag umaga.

Ipagpatuloy ang kwento
Kinabukasan, halos wala akong tulog. Pinilit kong maging normal habang kumakain kami ng roommate ko at ng boyfriend niya, pero nanginginig pa rin kamay ko. Gusto kong ikwento, pero paano kung isipin nilang nababaliw ako?
Pagbalik ko sa kwarto, inisip kong i-delete na lang ang recording. Pero nang buksan ko ang file,ย wala na. Naka-save pa rin sa listahan, pero pag play ko,ย static noise na lang. Para bang binura ng kung sino ang boses na narinig ko kagabi.
Lumipas ang ilang araw. Akala ko nakalimutan ko na, hanggang isang gabi, bumalik ang mga lambingan nila. Muli kong naisip i-test kung talagang totoo ang nangyari o imahinasyon lang. Kaya sinet ko ulit ang recorder at iniwan sa tabi ng unan.
Alas-dos ng madaling araw, bigla akong nagising. Tahimik ang buong kwarto. Walang tawanan, walang bulungan. Kinuha ko ang phone โ recording pa rin, 1 hour na. Nakalagay:ย Voice Memo 02 โ 2:11:37.
Nang i-play ko, wala akong narinig kundi hinga. Hinga ko, hinga nila. Taposโฆย โPapaโฆ andito ka na ba?โย Mas malinaw. Mas malapit.
Nanlaki mata ko โ kasi sa mismong headphone, hindi na sa recording, kundiย diretso sa tenga koย ko narinig ang boses. Hinila ko agad earphones, pero kahit wala na, patuloy ko pa ring naririnig sa paligid ng kwarto.
TOK! TOK! TOK!
May kumatok sa ilalim ng kama.
Roommate ko at boyfriend niya, parehong mahimbing ang tulog. Nanginginig ako, dahan-dahang sumilip sa ilalim. Walang bata. Wala. Pero may maliit na recorder na hindi akin, umiilaw ang pulang LED, at naroonโฆ paulit-ulit, nagpi-play ng parehong boses:
โPapaโฆ wag mo kong iwanโฆโ